Patuloy sa paglobo ang bilang ng mga nagkakasakit ng dengue sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, halos 116,000 kaso na ng dengue ang naitala.
Aniya, inaasahang Agosto at Setyembre ay mas dadami pa ang nagkakasakit ng dengue sa inaasahang patuloy na pag ulan.
Kaugnay nito, umapela si Domingo sa publiko na maging maingat at panatilihing malinis ang kapaligiran para makaiwas sa dengue.
“Mas mahilig siya sa mga dark colors. Mas maganda po talaga kung medyo maliwanag o light yung color ng mga kasuotan atsaka siguro po kung pwedeng long sleeves din atsaka pantalon o kaya yung jogging pants po na hanggang paa talaga para po wala talagang masyadong kagat ng ating mga lamok. Nangangagat siya during the day. Hindi po siya nangangagat pag gabi pag tulog tayo. Ito po ay nangangagat sa umaga, pagsikat ng araw atsaka hanggang lumubog po ang araw. “ — Pahayag ni DOH Undersecretary Eric Domingo.