Tumaas ang bilang ng mga nabibiktima ng sakit na dengue kasabay ng mas matinding banta ng El Niño phenomenon.
Batay sa tala ng Department of Health o DOH, nasa kabuuang 55,000 na ang naitalang kaso ng dengue sa iba’t ibang panig ng bansa noong Agosto.
Mas mataas pa ito ng 9 na porsyento kumpara sa kaparehong panahon noong isang taon.
Ayon kay DOH spokeman Dr. Lyndon Lee Suy, inaasahan nilang lolobo pa ang naitatalang kaso ng dengue lalo’t kung hindi magiging maingat ang publiko.
Binigyang diin pa niya, dapat laging isara ang mga imbakan ng tubig habang linisin naman ang mga bagay na puwedeng pamahayan ng lamok.
By: Jaymark Dagala