Nakapagtala ang Bacolod City ng halos 600 kaso ng dengue mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon.
Ang nasabing bilang ay mas mataas ng 195.7% kumpara sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.
Batay sa datos ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), aabot na sa kabuuang 890 kaso ng dengue ang naitala sa siyudad, kung saan 13 ang nasawi sa sakit hanggang nitong Oktubre a-29.
Nangunguna sa may pinakamaraming kaso ang Barangay Mansilingan na may 109 cases, sinundan ng Taculing na may 73 cases; at Estefania na may 64 cases.
Noong nakaraang taon ay nakapagtala lamang ang siyudad ng tatlong daan at isang kaso ng nasabing sakit, kung saan tatlo ang namatay.
Hinimok naman ng City Health Office ang mga residente na puksain ang mga posibleng pinamumugaran ng lamok at kaagad na magpakonsulta sa doktor sakaling makaramdam ng sintomas ng nasabing sakit.