Tumaas ng 700% ang mga kaso ng dengue sa lungsod ng Baguio.
Ito’y ayon sa City Health Services Office (CHSO) matapos makapagtala ng 1,036 cases mula Enero 1 hanggang Oktubre 4 ngayong taon na mas mataas kumpara sa 144 cases sa kaparehong panahon noong 2020.
Pahayag ni Dr. Donabel Tubera-Panes, CHSO epidemiology and surveillance unit head, karamihan sa mga dinapuan ng dengue sa kanilang lugar ay may edad isang buwan na gulang hanggang 90 taong gulang.
Aminado si Tubera-Panes na naaalarma sila sa datos kaya’t mahigpit nilang binabantayan ang pagsirit ng mga dengue cases sa kanilang lungsod.