Ikinababahala na rin ngayon ng Department of Health (DOH) ang pagtaas ng mga kaso ng dengue sa Metro Manila at ilang bahagi ng bansa.
Ayon sa DOH, hindi pa man nagsisimula ang tag-ulan ay umakyat na sa 3,048 ang naitalang kaso ng naturang sakit mula Enero hanggang Mayo 2022.
Nasa 314 naman ang tinamaan ng dengue sa Region II (Cagayan Valley) kung saan tatlo dito ang nasawi.
Habang sa Cebu City naman ay 16 na ang nasawi mula sa 1,254 na mga tinamaan ng sakit.
Batay sa DOH, kasabay nito ay lumobo rin ang kaso ng dengue sa Region 7, Region 3 at Region 6.
Bunsod nito ay nakipagtulungan na ang ahensya sa lokal na pamahalaan, regional offices at mga ospital para sa dengue preventive measures.