Higit doble ang itinaas ng bilang ng kaso ng dengue sa bansa ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.
Ayon sa datos ng Department of Health, mahigit 240,000 kaso na ang naitala ngayong taon simula Enero hanggang Agosto.
Samantalang nasa higit isangdaang libo lamang ang kaso noong nakaraang taon sa kaparehong buwan.
Dagdag pa ng ahensya, sampung rehiyon na sa bansa ang lumagpas na sa epidemic threshold ng dengue.
Kabilang dito ang Calabarzon, Mimaropa, Regions 5, 6, 8, 9, 10, 12 barmm at National Capital Region.
Ang epidemic threshold ay ang kritikal na bilang ng mga tinatamaan ng sakit na maituturing na isang epidemya.