Nabawasan o halos pakonti na ang naitatala kaso ng Dengue.
Ayon ito kay Health Undersecretary Eric Domingo na nangangahulugang nalampasan na ng bansa ang itinuturing na ‘peak’ ng dengue cases sa buwan ng Agosto.
Sinabi ni Domingo na nabawasan ng 7,000 hanggang 8,000 ang naitatalang kaso ng dengue kada linggo kumpara nuong nakalipas na buwan.
Gayunman, inihayag ni Domingo na kailangan pa ring paigtingin ang ‘4 o clock habit’ dahil tuluy-tuloy ang pag ulan at dapat ituloy ang kampanya kontra dengue hanggang sa buwan ng Nobyembre.
Magugunitang nuong isang buwan ay idineklara ng Department of Health (DOH) ang national dengue epidemic matapos pumalo sa halos 150K kaso ng dengue ang naitala mula Enero hanggang Hulyo ng taong ito kung saan mahigit 600 ang nasawi.