Tumaas ang kaso ng dengue sa bansa.
Batay sa dengue surveillance report ng Department of Health (DOH), lumalabas na pumapalo na sa mahigit 124,000 ang naitalang kaso ng dengue mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon.
Apatnapung (40) porsyento itong mas mataas kumpara sa kaparehong period noong nakaraang taon.
Ipinabatid din ng DOH na tumaas din ang bilang ng mga nasawi dahil sa dengue ngayong taon na nasa 374 mula 355 noong 2014.
Pinakamalaking bilang ng kaso ng dengue ay naitala sa Central Luzon, CALABARZON, National Capital Region, Ilocos Region at Cagayan Valley.
By Ralph Obina | Aya Yupangco (Patrol 5)