Tumaas ng 19 na porsyento ang kaso ng dengue sa bansa.
Base sa datos ng Department of Health (DOH), umaabot na sa 70,697 ang naitalang dengue cases sa unang pitong buwan ng taon.
Mas mataas ang bilang na ito kumpara sa 59,342 na kaso ng dengue sa kaparehong period noong nakaraang taon.
Kasabay nito, tinukoy ng DOH ang 47 barangay sa buong bansa na ikinukunsiderang dengue hot spots.
Kabilang sa mga ito ang Barangay Longos sa Malabon City; Fairview, Novaliches Proper at Payatas sa Quezon City.
By Meann Tanbio | Aya Yupangco (Patrol 5)