Tumaas ang bilang ng kaso ng dengue na naitala sa bansa hanggang noong February 1, 2025.
Ito ayon sa Department of Health ay matapos umabot sa 28,234 ang kaso ng nasabing sakit na mas mataas ng 40% sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Nabatid na nagsimulang tumaas ang kaso ng dengue sa bansa sa pagitan ng January 5 hanggang 18, 2025 kung saan pumalo sa mahigit 15,000 ang bilang ng mga tinamaan ng dengue, mas mataas ng 8% kumpara sa halos 14,000 cases noong December 22, 2024 hanggang January 4, 2025.
Samantala, bumaba naman ang case fatality rate sa 0.35% hanggang noong February 1, kumpara sa 0.42% CFR sa kaparehong panahon noong 2024.
Dahil dito, pinayuhan ng DOH ang publiko na agad magpakonsulta sakaling makaranas ng sintomas ng dengue; hanapin at sirain ang mga mosquito breeding sites; gumamit ng anti-repellent lotions; at magsuot ng long sleeves hangga’t maaari. – Sa panulat ni John Riz Calata