Mahigit 12,000 kaso na ng dengue ang naitala sa CALABARZON.
Ayon kay Dr. Voltaire Guadalupe ng Department of Health – CALABARZON, mula pa noong unang linggo ng Mayo ay sumirit na ang kaso ng dengue sa rehiyon.
Ang naitalang 12,807 dengue cases ay mataas aniya ng 132% mula sa 5,510 cases na naiulat sa kaparehong panahon noong 2021.
Karamihan aniya sa mga pasyente ay mga batang 10 taong gulang pababa.
Kaugnay nito, sinabi ni Guadalupe na nagsagawa na sila ng mga hakbang upang mapigilan ang paglaganap ng dengue sa lugar at hinimok rin nito ang publiko na agad na magpakonsulta sa doktor sakaling makaramdam ng sintomas ng dengue.