Patuloy na tumataas ang mga naitatalang kaso ng dengue sa kabila ng pag-iral ng mainit na panahon.
Sa lalawigan ng Cavite na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa dengue, umabot na sa 4,500 kaso na ng dengue ang naitatala ngayong taon.
Dahil dito, tumulong na rin maging ang Philippine Red Cross sa pagsasagawa ng fumigation at pamamahagi ng tents gayundin ng hospital beds para sa mga pasyente.
Humahabol naman dito ang lalawigan ng Bulacan kung saan, nasa 4,400 na ang naitatalang kaso ng dengue sa nasabing lalawigan.
Dahil dito, pinag-aaralan na ng pamahalaang panlalawigan ang pagdideklara ng state of calamity dahil sa pagkalat ng sakit.
By Jaymark Dagala