Kaso ng dengue sa Cavite pumalo na sa mahigit 4,500
Umakyat ng 285 percent o mahigit 4,500 na ang mga kaso ng dengue sa lalawigan ng Cavite ngayong 2015.
Dahil dito, tumutulong na ang Philippine Red Cross sa pagpuksa sa naturang sakit na dulot ng lamok.
Naglunsad na rin ang Red Cross ng fumigation drive at namahagi ng tents at 80 hospital beds para sa mga pasyente.
Kasabay nito, nananawagan naman ang mga doktor sa mga mamamayan ng Cavite na linisin ang kanilang mga bahay upang hindi na kumalat pa ang dengue.
By: Jelbert Perdez