Tumaas ang kaso ng dengue sa Region 2, 3, 7, 9 at Cordillera Administrative Region.
Ayon kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire, ibinase ang pagtaya sa naitalang bilang ngayong Mayo kumpara noong nakaraang taon.
Noong Abril, idineklara ang dengue outbreak sa Zamboanga City matapos umabot sa halong 900 ang naitalang kaso at may labing-isang nasawi.
Para pigilin ang posibleng dengue epidemic, muling binuhay ng DOH ang dengue fast lanes at nagkaroon ng logistical assistance sa mga apektadong lugar.