Tumaas ng 57 porsyento ang kaso ng dengue sa Northern Mindanao sa kalagitnaan pa lamang ng taong 2016.
Ayon sa Regional Epidemiology Surveillance and Disaster Response Unit, lumobo na sa 4,372 ang ang kaso ng dengue sa Northern Mindanao mula Enero hanggang Mayo ng taong kasalukuyan.
Pinakamataas na kaso ay naitala sa lalawigan ng Bukidnon kung saan ay umakyat na ito sa 1,231 o mas mataas ng 64 na porsyento kumpara noong nakaraang taon.
Sinasabing tumi-triple ang lamok sa panahong ito dahil sa nararanasang napakainit na temperatura sa rehiyon.
Patuloy namang nananawagan sa publiko ang DOH na panatilihing malinis ang kapaligiran na siyang pinakamabisang paraan anila para labanan ng dengue.
By Ralph Obina