Pinaalalahanan ng mga awtoridad ang mga mamamayan ng Pangasinan na maging vigilant o mag-ingat laban sa dengue.
Ito’y makaraang i-ulat ng Pangasinan Provincial Health Office (PHO) na dumoble ang bilang ng mga dengue cases mula Enero hanggang Hulyo 26 ngayong taon.
Ayon sa pinakabagong datos ng PHO Epidemiology and Surveillance Unit, lumitaw na nagkaroon ng 2,634 dengue cases o 97% na pagtaas kumpara sa 1,334 cases na naitala sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.
Gayunman, dalawa lamang ang pumanaw ngayong taon na mas konti kumpara noong 2020 na pumalo sa 11.
Nasa watch list naman ng health office ang ilang bayan at lungsod tulad ng San Carlos City, Alaminos City, Pozorrubio, Bolinao, Urdaneta City, Bayambang, Lingayen, at iba pang munisipalidad.