Tumaas ng 190% ang kaso ng dengue sa Pilipinas.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH) mula January 1 hanggang November 12 ngayong taon, sumampa sa 201,509 ang kaso ng dengue sa Pilipinas.
Doble-doble ang itinaas nito mula sa 69,505 na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ang Central Luzon ang nanguna sa nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng dengue na may higit 40,000, sinundan ng National Capital Region na may higit 23,000 at Calabarzon na may higit 17,000.
Samantala, sa datos pa ng DOH’s Epidemiology Bureau ay pumalo na sa 656 ang nasawi sa dengue.