Dumoble na ang naitatalang kaso ng dengue ng sa Taguig City.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 490 kaso na ng dengue ang naitatala sa Taguig simula noong Enero hanggang Agosto a-tres ng kasalukuyang taon.
Isang daan at dalawang porsyentong mataas ito sa naitalang dalawang daan at apatnaput tatlong kaso noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.
Nakapagtala rin ng pagtaas sa kaso ng dengue ang DOH sa 9 pang mga lungsod sa Metro Manila.
Kabilang dito ang Malabon City na nakapagtala ng 513 kaso na higit na mataas sa 282 kaso noong 2018.
Gayundin sa Parañaque City, Pasay, Mandaluyong, Las Piñas City, Muntinlupa, Navots, Makati at San Juan.
Sa kabuuan umaabot na sa 10, 349 ang naitatalang kaso ng dengue sa Metro Manila kung saan 45 ang nasawi.