Bumaba ang kaso ng dengue na naitala sa bansa sa unang limang buwan ng 2018 kumpara noong nakaraang taon.
Batay sa datos ng Department of Health, nasa halos 38,000 ang nagkaroon ng dengue mula Enero 1 hanggang Mayo 26 ng kasalukuyang taon.
Pitong porsyento itong mas mababa kumpara sa halos 41,000 kaso ng dengue na naitala sa kaparehas na panahon noong 2017.
Pinakarami namang kaso ng nasabing sakit ang naitala sa National Capital Region na may 6,493 na kaso, sinundan ito ng CALABARZON na nakapagtala ng 6, 296 na kaso at pumangatlo ang Central Luzon na may 5, 997 na kaso ng dengue.