Patuloy na mino-monitor ng Department of Health o DOH ang clustering o pagkukumpol-kumpol ng mga kaso ng dengue sa 77 barangay sa Western Visayas.
Ayon sa DOH, apat na pu’t lima o 45 sa mga barangay na ito ay matatagpuan sa Negros Occidental, habang may mga naitala ring kaso ng dengue sa ilang barangay sa Antique, Capiz, Iloilo City at Aklan.
Pinakamarami naman ang mga kaso sa Negros Occidental na pumalo sa 657 kung saan lima ang nasawi na sinundan ng Antique na may 400 cases at Bacolod na may 139 cases.
Gayunman, nilinaw ng DOH na kahit tumataas ang dengue cases sa Western Visayas ay hindi pa naman nito naaabot ang ‘alert level threshold’.