Patuloy ang pagtaas ng kaso ng dengue sa Zamboanga City.
Ayon kay Dr. Dulce Amor Miravite, City Health Officer, nakapagtala na sila ng 866 kaso ng dengue kung saan 11 na ang nasawi simula noong Enero.
Kasunod nito, nagbabala ang City Health Office ng Zamboanga City ng posibleng pagdedeklara ng dengue outbreak sa siyudad.
Mayorya aniya ng mga tinamaan ng dengue sa lugar ay mga batang edad 9 pababa kung saan may 488 kaso nito habang may 282 na mga kaso naman sa mga 10 hanggang 19 taong gulang.
Lima sa 98 barangay ng lungsod na kinabibilangan ng Tetuan, San Roque, Sta. Marcia, Mercedes, at Putik ay nakapagtala ng mataas na kaso ng dengue.
Pinayuhan ni Miravite ang mga mamamayan na isagawa ang “4S” strategy na binubuo ng
Search and destroy mosquito breeding places; securing self-protection; seeking early consultation; at, supporting fogging only in hotspot areas, upang matugunan ang kaso ng dengue sa kanilang komunidad.