Sumampa na sa mahigit apatnapung libo (40,000) ang bilang ng mga tinamaan ng dengue sa buong bansa.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Epidemiology Bureau, nasa kabuuang apatnapung libo animnaraan at labing apat (40,614) na kaso ng dengue ang naitala mula Enero hanggang Marso 2 ng kasalukuyang taon.
Ayon sa DOH, mataas ng animnapu’t walong (68) porsyento o katumbas ng mahigit labing anim na libong (16,000) kaso ang nabanggit na bilang kumpara sa naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Kaugnay nito, muling hinimok ng DOH ang publiko na ugaliing malinis ang kapaligiran at itapon ang mga naipong tubig na pinamumugaran ng lamok para maiwasan ang pagdami pa ng kaso ng dengue sa bansa.
—-