Halos 40,000 kaso ng dengue ang naitala ng Department of Health sa unang apat na buwan ng 2023.
Batay sa pinakahuling disease surveillance report ng kagawaran, aabot sa 39,947 cases ang naitala simula Enero 1 – Abril 29, na katumbas ng 43 % na pagtaas.
Kumpara ito sa 27,928 cases sa kaparehong panahon noong Enero 2022.
Naitala ang pinakamataas na kaso ng dengue sa National Capital Region, na may 5,552; CALABARZON, 4,252 at Central Luzon, 4,026.
Gayunman, mas mababa ang bilang ng fatalities ngayong taon na umabot lamang sa 127 kumpara sa 166 sa parehong panahon noong 2022.