Bumababa ang bilang ng mga kaso ng dengue, tigdas at diptheria sa bansa mula Enero hanggang marso ngayong taon kumpara sa noong nakaraang taon.
Sa inilabas na datos ng DOH, nasa 10,915 na kaso ng dengue ang naitala mula Enero hanggang marso 19 na halos doble ang ibinaba mula sa 20,213 cases.
Inihayag ni health undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa ngayon ay nasa 45 na kaso pa lamang ng measles ang kanilang naitatala.
Gayunman, may ibang factor aniya na posibleng nakaambag sa pagbaba ng bilang ng measles cases sa bansa gaya ng pagpapatupad ng minimum public health standards kakaunting interaksyon at hindi pag-uulat sa rural health units.
Samantala, sa diphtheria, tatlong kaso pa lamang ang naitatala ngayong taon kumpara sa 11 noong 2021.