Inihayag ng Davao City Health Office (CHO) na nananatili sa 233 ang kaso ng diarrhea sa Toril, Davao City.
Ayon kay Dr. Ashley Lopez, CHO Head, 58 sa mga pasyente ang nakarecover na; 93 ang out patient; habang nasa 60 ang nananatili sa ospital.
Nasa tatlo naman ang bilang ng nasawi na kinabibilangan ng isang 10 taong gulang na batang lalaki; 67 taong gulang na babae at 32 taong gulang na guro sa isang pribadong paaralan sa Toril.
Sa ngayon, patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Davao City Health Office, Davao City Water District at Department of Health Central Office hinggil sa diarrhea outbreak sa nabanggit na lugar.