May payo ang Philippine Medical Association (PMA) sa mga magulang ngayong tag-init.
Ayon kay Dr. Benito Atienza, presidente ng PMA, tumaas ang kaso ng Diarrhea sa mga bata na kadalasang resulta ng aksidenteng pag-inom ng tubig sa pool o dagat.
Bilang solusyon, dapat anyang pabakuhanan ang mga ito ng Rotavirus Vaccines kontra pagsusuka.
Ipagpatuloy din dapat ang pagsunod sa minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at pag-iwas sa matataong lugar.
Ilan pa sa karaniwang sakit na nakukuha tuwing tag-init ay ubo at sipon.