Kumpiyansa ang National Capital Region Police Office o NCRPO na malulutas sa lalong madaling panahon ang mga kaso ng umano’y extra-judicial killings sa bansa
Ito’y bilang tugon sa panawagan ni Senador Richard Gordon na paspasan ang paglutas sa kaso ng EJK na itinuturing na death under investigation ng pulisya
Ayon kay NCRPO Director C/Supt. Oscar Albayalde, hindi sila nagpapabaya at lalong hindi nila binabalewala ang mga ulat ng mala-vigilanteng pagpatay na ipina-a-abot sa kanila
Mula sa Pitongdaan at Animnaput Limang kaso ng death under investigation na naitala sa Metro Manila mula Hulyo hanggang Setyembre, Dalawamput Dalawang kaso aniya rito ang tukoy na ang suspek at nakasuhan na sa korte
By: Jaymark Dagala