Umabot na sa pitumpu’t pito ang firecracker-related injuries, ilang oras bago ang pagpasok ng bagong taon.
Batay sa “AKSYON: Paputok Injury Reduction 2017” report ng Department of Health, limampu’t pito sa pitumpu’t pito sa mga naputukan ay sanhi ng iligal na paputok.
Apatnapu’t siyam naman sa mga naputukan ay sanhi ng piccolo habang anim ay dahil sa boga.
Sa kabila nito, ipinagmalaki ng Department of Health na mababa ang nabanggit na bilang kumpara sa limampu’t apat na kaso sa kaparehong panahon noong isang taon.
Samantala, pinaka-maraming bilang ng fireworks related injuries ang naitala sa Metro Manila na sinundan ng Western Visayas At bicol region.
Karamihan sa 67 establisyimento gumagawa ng paputok sa Bulacan pasado sa Occupational Safety and Health inspection
Pasado sa Occupational Safety and Health o OSH inspections ng labor laws compliance officers ang karamihan sa animnapu’t pitong establisyimentong gumagawa at nagbebenta ng mga paputok sa Bulacan.
Ayon sa Department of Labor and Employment-Central Luzon regional office, animnapu’t isa sa mga establisyimento sa Bocaue ang tumatalima sa safety standards.
Alinsunod ito sa kautusan ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa regional offices na i-monitor ang safety and health compliance sa OSH sa pyrotechnics and firecrackers sector sa buong bansa kaugnay sa pagdiriwang ng bagong taon.
Sa kasalukuyan ay mayroong isandaan limampu’t dalawang pyrotechnic establishments sa Bocaue at Sta. Maria, Bulacan.