Tumaas ng halos 1,000 ang kaso ng human immuno-deficiency virus o HIV sa buong bansa ngayong 2018.
Batay sa datos ng Department of Health, aabot sa 950 kaso ng HIV ang naitala noon lamang Mayo ng kasalukuyang taon.
Pero mas mababa ito kumpara sa 1078 kaso ng HIV na naitala sa kaparehong panahon noong 2017.
Nangunguna naman ang National Capital Region o NCR sa lugar na may pinakamataas na kaso ng HIV na sinundan ng Calabarzon, Central Visayas at Central Luzon.
Kasabay nito, hinikayat ng DOH ang publiko na sumailalim sa libreng HIV testing sa kanilang mga social hygiene clinics sa buong bansa.
—-