Isa ang Pilipinas sa may pinakamataas na record ng may pinakamaraming HIV cases sa buong mundo.
Ito ang inilabas na global report ng United Nations Aid Organization noong July 20 kung saan 140% ang itinaas ng mga kaso mula 2010 hanggang 2016.
Sinabi ni Health Secretary Paulyn Ubial na nakakalungkot ang nabanggit na report dahil sa kabila ng inilunsad nilang information campaign kontra sa HIV/AIDS ay tumaas pa rin ang kaso ng mga nagkakasakit nito.
85% aniya ng mga naeksamin na nagpositibo sa HIV ay man to man o nakuha ang sakit dahil sa pakikipagtalik sa kapwa lalaki.
Sinabi ni Ubial na isa sa mga dahilan kung bakit lumaki ang bilang ng mga may HIV ay ang stigma kapag nagpapatingin sa mga doktor dahil tila nahuhusgahan umano agad ang mga ito.