Nangunguna ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya Pasipiko na may pinakamabilis na paglago ng bilang ng impeksyon ng HIV.
Ito ay batay sa datos ng United Nations Programme on HIV/Aids (UNAIDS) na nasa kabuuang 38.4 na milyong tao na ang namumuhay na may HIV noong nakaraang taon.
Nitong Oktubre lang ay natuklasan ang 1,383 bagong kaso ng HIV sa Pilipinas kung saan 65 na ang nasawi.
Samantala, isinusulong ng Department of Health (DOH) ang pagpapaigitng ng serbisyo, proteksyon ng Sexual and Reproductive Health ng publiko, at pagpapalakas ng HIV Testing, pagamitan at pagbibigay ng suporta sa kanila.
Sa kasalukuyan ay mayroon nang 107,177 na kaso ng HIV at Aids sa Pilipinas. —sa panulat ni Hannah Oledan