Submitted for resolution na ang kaso laban sa isang Pinay kaugnay sa paglabag sa Cyber Crime Prevention Act.
Ito ayon kay Senior Prosecutor Maria Cristina paro ay matapos ang mga pagdinig ng Department of Justice sa reklamo laban kay Fe Palabo.
Ang kaso ay isinampa ng PNB o Philippine National Bank na nagsabing naisahan sila ng grupo ni Palabo nang ma-hack ang account ng kanilang kliyente para ma withdraw sa isang sangay ng bangko nila sa Singapore ang pera nito.
Sinabi ni Atty Ruben Zacarias, legal counsel ng PNB na ginagamit ng mga dayuhan partikular ng Nigerian nationals ang mga Filipino para sa kanilang modus.
Posibleng biktima rin aniya ng nasabing modus ang iba pang bangko .
By: Judith Larino | Bert Mozo (Patrol 3)