Bumaba ang naitatalang kaso ng kidnapping ng PNP o Philippine National Police ngayong taon.
Batay sa datos ng PNP-AKG o Anti Kidnapping Group, labing-anim lamang ang kanilang naitalang kidnapping case ngayong taon, mababa ng labing-isa kumpara dalawamput pitong kaso nuong nakalipas na taon.
Ayon kay PNP-AKG Director Chief/Supt. Glen Dumlao, apat sa mga naitalang kaso ngayong taon ang na-resolba na.
Kabilang dito ang paglansag sa Siervo kidnapping group na binubuo ng mga tinawag na ninja cops.
Samantala, kinumpirma ni Dumlao na nagpadala ng mga surrender feelers ang lider ng nasabing grupo na si PO1 Michael Siervo.
Magugunitang ang grupo si Siervo ang nasa likod ng pagdukot sa lolang si Bonifacia Pascual Arcita nuong Hulyo.
(Ulat ni Jaymark Dagala)