Bumaba ang bilang ng mga kaso ng pagdukot sa bansa ngayong taon.
Ayon kay PNP o Philippine National Police Anti-Kidnapping Group Spokesman Superintendent Abelardo Borromeo, siyam (9) na kaso na lamang ng kidnapping ang kanilang naitala mula Enero hanggang Hunyo.
Kumpara ito sa dalawamput siyam (29) na kaso ng pagdukot noong nakaraang taon, tatlumpot walo (38) noong 2015 at apatnapu’t siyam (49) noong 2014.
Dagdag ni Borromeo, anim (6) sa mga nasabing kidnapping cases ang naresolba na habang tatlo (3) pa ang itinuturing na live cases.
Nasa labing anim (16) naman ang mga naging biktima na kinabibilangan ng 8 Pilipino, 2 Indians at 6 na Tsino kung saan dalawa ang napatay.
Paglilinaw pa ni Borromeo, maliliit na criminal groups lamang ang may kagagawan nito at hindi malalaking sindikato.
By Krista De Dios | With Report from Jonathan Andal