Bumaba ang bilang ng mga kaso ng kidnapping o pagdukot sa bansa ngayong taon ayon sa anti-kidnapping group ng PNP o Philippine National Police.
Batay sa tala, nasa siyam na kaso lamang ng kidnapping ang kanilang naitala sa unang anim na buwan ng taon o mula Enero hanggang Hunyo.
Ayon kay Supt. Abelardo Borromeo, malaki ang ibinaba ng nasabing bilang kumpara sa 29 na kaso na naitala nuong isang taon, 38 kaso nuong 2015 at 49 na kaso nuong 2014.
Mula aniya sa siyam na kaso ng pagdukot ngayong taon, anim na ang nareresolba ng pulisya at tatlo ang itinuturing na live cases .
Habang mula naman sa 16 na indibiduwal na dinukot, walo ang Pilipino, dalawa ang Indian at anim ang Chinese nationals kung saan, dalawa ang nasawi.
By: Jaymark Dagala / Jonathan Andal
Kaso ng kidnapping sa bansa ngayong taon bumaba – PNP was last modified: June 30th, 2017 by DWIZ 882