Nakapagtala ng kaso ng cholera ang tatlong barangay sa bayan ng Tanza, Cavite.
Ito ang kinumpirma ni Tanza Rural Health Unit Officer Dr. Ruth Punzalan matapos makaranas ng pagdudumi at pagsusuka ang mga residente ng barangay Calibuyo, Punta One at Sahud Ulan.
Isang batang may edad isa at tatlong buwan ang una aniyang nasawi hanggang nagsunod-sunod na ito sa mga nabanggit na barangay habang isa ring mangingisda ang pinahuling tinamaan ng water-borne disease batay sa kumpirmasyon ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Samantala, inaalam na ng health authorities ang pinagmulan ng cholera outbreak sa mga naturang barangay. —sa panulat ni Airiam Sancho