Tumaas ang kaso ng leptospirosis at dengue sa Gitnang Luzon.
Batay sa tala ng Department of Health o DOH, umabot na sa 49 ang naitalang kaso ng leptospirosis sa Central Luzon kung saan pinakamarami ang naitala sa Nueva Ecija na nasa labing anim (16).
Sinundan ito ng Tarlac na may labing-apat (14) na kaso, at ang Zambales na may labing isang (11) kaso.
Mahigpit ding mino-monitor ngayon ng DOH ang kaso ng dengue sa Central Luzon na umabot na sa 10,320.
Ang nasabing bilang ay naitala simula Enero hanggang Hulyo 27 ng taong kasalukuyan.
—-