Tumaas ng 84% ang kaso ng leptospirosis sa bansa.
Ito ayon sa DOH ay matapos sumipa na sa 3,000 ang kaso ng leptospirosis sa taong ito kumpara sa naitalang 1,784 nuong isang taon.
Ipinabatid ng DOH na ang National Capital Region ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng leptospirosis na nasa 725, sumunod ang Western Visayas – 402 at Cagayan Valley – 344.
Muling nagpaalala ang DOH sa publiko na iwasang lumusong sa baha lalo na kung may sugat para makaiwas sa leptospirosis.