Tumataas ang naitatalang kaso ng leptospirosis sa bansa.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), sumampa na sa 1,030 ang kaso ng leptospirosis mula Enero hanggang Hunyo a-nuwebe ng kasalukuyang taon.
Mas mataas anila ito ng 41% sa naitalang kaso noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.
Habang umabot na sa 93 ang nasawi sa leptospirosis.
Kaugnay nito, pinayuhan ng DOH ang publiko na bantayan ang mga sintomas ng leptospirosis kung hindi naiwasan ang paglusong sa baha.
Kabilang sa unang sintomas ng nabanggit na sakit ang lagnat, pananakit ng kalamnan, ulo at binti at pamumula ng mata.
Sakaling malalala na ang kaso, nadadamay na ang atay, bato at utak kung saan makikitaan na ng paninilaw ng balat, kulay tsaa at kakaunting ihi, maputlang kulay ng dumi at matinding pananakit ng ulo.