Patuloy ang paglobo ng bilang mga pasyenteng may leptospirosis sa ilang ospital sa Metro Manila.
Sa East Avenue Medical Center, sa Quezon City, 21 katao na ang isinugod kaya’t nagsilbi ng ward ng mga leptospirosis patients ang 5th floor ng ospital.
Halos 70 naman ang leptospirosis patients sa National Kidney and Transplant Institute kung saan nagsilbi na rin nilang ward ang covered court ng pagamutan.
Sa San Lazaro Hospital sa Santa Cruz, Maynila, 35 pasyente ang nagpakita ng sintomas ng leptospirosis subalit dalawang kaso pa lamang ang kumpirmado.
Siyam na pasyente naman ang under observation sa Jose Reyes Memorial Medical Center dahil din sa mga sintomas ng sakit.