Tumaas ng mahigit isandaang porsyento ang naitalang kaso ng leptospirosis sa lalawigan ng Pangasinan.
Rumehistro na sa dalawandaan at pitong (207) kaso ng leptospirosis sa probinsya o 135% na pagtaas sa kaso ng nasabing sakit.
Sa naturang bilang, 26 ang nasawi o doble sa naitalang death toll noong nakalipas na taon.
Batay sa tala ng Provincial Health Office, nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng leptospirosis ang Dagupan City at sumunod ang mga bayan ng Binmaley, Calasiao at Mangaldan.
Karamihan sa mga tinamaan ng leptospirosis ay mga construction worker at mga magsasaka na kadalasang lumulusong sa maruming tubig.
—-