Nagkaisa ang mga bansa sa buong mundo na wakasan na ang malaria sa loob ng 15 taon.
Ayon sa World Health Organization (WHO), plano ng iba’t ibang mga bansa na ibaba sa 40 porsyento ang kaso ng malaria hanggang 2020 at 90 porsyento naman pagsapit ng 2030.
Sinabi ni Global Malaria Programme Head Pedro Alonso, ambisyoso mang maituturing ang naturang hakbang ay tiyak naman itong magiging matagumpay ang naturang pagkilos kontra malaria.
Batay sa tala ng WHO, aabot sa 600,000 ang namamatay kada taon dahil sa malaria.
By Ralph Obina