Umakyat na sa 44 ang bilang ng kaso ng mas nakahahawang uri ng coronavirus o mas kilala bilang UK variant sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH), kabilang ang mga 19 na nadagdag na kaso sa ika-anim na batch ng 718 samples na isinailalim sa sequencing ng University of the Philippines Philippine Genome Center noong Pebrero 8.
Nagmula ang mga samples sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, maliban sa BARMM.
Batay sa datos ng DOH, tatlo sa mga nadagdag na kaso ng UK COVID-19 variant ang 10 taong gulang na batang lalaki, 54 na babae at 33 anyos na lalaki na pawang nagmula sa Region 10.
Dalawa sa mga kaso ang natukoy namang nagmula sa CALABARZON kung saan ang isa ay 20 anyos na babae na walang known exposure at ang isa ay 67 anyos na babaeng na-expose sa isang positibo noong Enero 21.
Walo naman ang balik bansang Overseas Filipino na binubuo ng apat na lalaki at apat na babae na may edad 28 hanggang 53 anyos.
Habang patuloy naman inaalam ng health authorities kung ang natitirang anim na karagdagang kaso ay local case o balik bansang mga Filipino.