Sumampa na sa kabuuang 450 measles o tigdas at rubella cases ang naitala sa bansa mula January 1 hanggang September 17, 2022, mas mataas ito ng 153% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Base sa pinakahuling National Measles and Rubella data ng Department of Health (DOH), nasa 178 cases ang kanilang naitala noong January 1 hanggang September 17, 2021.
Karamihan sa kaso ay mula sa CALABARZON, sinundan ng Central Visayas at National Capital Region (NCR).
Samantala, sinabi ng World Health Organization (WHO) na isang “highly contagious” o nakakahawang sakit ang measles dahil sa virus na naipapasa sa pamamagitan ng direct contact at ng hangin.
Kabilang sa sintomas nito ang mataas na lagnat, ubo, sipon, mapula at maluha-luhang mata, at rashes.