Tiniyak ng Department of Health (DOH) na walang meningococcemia outbreak sa Calabarzon Region.
Ito ay sa kabila ng kumpirmadong kaso ng pagkamatay ng isang babae dahil sa meningococcemia sa Tanauan Batangas.
Ayon kay DOH Regional Director Eduardo Janairo, maituturing na isolated lamang ang nasabing kaso dahil posibleng dinapuan na ito ng nabanggit na sakit bago pa man umuwi ng bansa galing Dubai noong Mayo.
Sinabi ni Janairo, maaaring carrier na ng meningococcemia ang nasabing babae noong nasa Dubai pa lamang ito at lumabas lamang ang sintomas nitong Setyembre na nagdulot naman ng kanyang kamatayan.
Samantala, iginiit naman ni Janairo na hindi pa rin kumpirmadong meningococcemia ang dahilan ng pagkamatay ng tatlong iba pa, kabilang ang dalawang bata sa magkakahiwalay na lugar sa Batangas.