Hiniling ng isang mambabatas sa Kamara na siyasatin ang mga naitatalang kaso ng laglag bala sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Inihayag ito ni Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian kasunod ng paghahain niya ng resolusyon upang busisiin ang aniya’y lumalalang pangingikil sa mga paliparan.
Aniya, maituturing na kahihiyan ang ginagawang pangingikil ng mga tauhan ng paliparan lalo’t nagsisilbi aniya itong tarangkahan ng bansa para sa mga lokal at dayuhang turista.
Matatandaang dalawang insidente ng laglag bala ang naitala kamakailan kung saan, pinagbabayad ng mula P500 hanggang P30,000 ang mga nabibiktima ng mga kawatan.
By Jaymark Dagala