Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya makikisawsaw sa mga isinampang kaso laban sa mga pulis na inakusahang pumatay ng mga drug suspect upang ibaba ang kanilang kaso sa homicide mula sa murder.
Ayon kay Pangulong Duterte, wala namang masama kung anong kaso ang isasampa laban sa mga akusadong pulis.
Harassment, totoo o hinde sige, iconvict mo, sabi nga ni Aguirre, Brod ko na yan nasa cabinet pa, eh sir murder to, eh di i-file mo, di ako nakikiusap, totoo yan tanungin mo yang Aguirre, brod ko pa yan, classmate ko, sige i-file mo, tapos naging homicide, sir nahomicide na, ewan ko, I never, tumawag ba ako sa inyo ni minsan, tumawag ba ako na nakiusap na palusutin mo yan”.
Gayunman, nilinaw ng punong ehekutibo na hindi siya makapapayag na basta makasuhan ang mga pulis o sundalo kaya’t dapat baguhin ang ilang proseso ng batas.
Ilan sa mga nakasuhan ng murder ang 19 na pulis kabilang si Supt. Marvin Marcos dahil sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, noong 2016.
Trial? O hanggang ngayon wala pa, sundalo pati pulis, magtrabaho yan pero kung masabit sabit lang naman tapos wala pang abogado tapos suspended wala na ang pamilya wala nang pagkain, ay kalokohan yan, hindi ako papaya ng ganon, the rules must be changed, kasi oras na masuspend ang tao, wala nang sweldo, paano na yung mga anak, paano yung pagkain, tapos may kaso pa”.
RPE