Ipinauubaya na ng Philipppine National Police-Internal Affairs Service o PNP-IAS sa Ombudsman ang kaso ng ilang mga pulis-Caloocan na sangkot sa pagpatay ng menor de edad na si Kian Lloyd Delos Santos.
Ito ay bagama’t nakatakda nang magbaba ng hatol ang PNP-IAS laban sa mga akusadong pulis.
Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, nagpasya silang bitiwan ang kaso para na rin sa transparency at maalis ang agam-agam na ma-white wash ang kaso.
Kasunod nito sinabi ni Triambulo na kanila na lamang tutukan ang imbestigasyon sa iba pang hawak nilang kaso.
Matatandaang, nasa kalagitnaan na ng imbestigasyon ang PNP-IAS sa kaso ni Kian nang i-subpoena sila ng Ombudsman at hingin ang mga dokumento kaugnay ng kaso.
Paliwanag ni Triambulo, hindi nila agad binitiwan ang kaso dahil nangako siya sa mga senador na tatapusin ang imbestigasyon bago mag-Nobyembre.
—-