Kinumpirma ng World Health Organization ang 14,000 kaso ng monkeypox sa buong mundo.
Ayon kay WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, karamihan sa mga kaso ay natukoy sa Europe kung saan, partikular na tinamaan ng sakit ay mga lalaki na nakipagtalik sa kapwa lalaki.
Samantala, 5 naman ang napaulat na nasawi sa sakit na naitala sa Africa.
Kaugnay nito, tiniyak ni Ghebreyesus na susuportahan ng WHO ang mga bansang may mga kaso na ng monkeypox upang mapigilan ang pagkalat nito at makapagsalba ng maraming buhay.
Nakatakdang magpulong ngayong araw ang who upang desisyunan kung ang naturang outbreak ay maituturing nang public health emergency of international concern, na pinakamataas na antas ng alerto.