Hindi Filipino national ang isang kaso ng monkeypox na sakay ng Philippine Airlines flight patungong Hong Kong.
Ito ang binigyang-linaw ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire matapos nilang matanggap ang datos na nagkukumpirmang ang naturang infected ay foreign national.
Ayon kay Vergeire, nagkaroon ng biyahe sa iba pang bansa tulad ng Canada at United States ang pasyente bago ito nagtungo sa Pilipinas at napunta ng Hong Kong.
Nauna nang inihayag ni PAL Spokesperson Cielo Villaluna na ang nasabing pasahero ay sakay ng PR300 noong September 5.
Samantala, pinayuhan din nito ang mga pasahero sa nasabing flight na i-monitor ang kanilang sarili upang mabigyan ng atensyon medikal sakaling magkaroon ng sintomas.